Paalam, Von Voyage, Hanggang sa muli, BabayKaraniwang sambit sa landas na naghihiwalay,
Lungkot at lumbay sa mga mukha ay bakas,
sapagkat may kulang na sa piling nila bukas.
Ngunit sa bansang puno ng paghihirap at dusa,
at ang pag-alis ang mainam na paraan para kumita ng pera,
Imbes na luha ng kalungkutan ang mangibabaw,
ay sapilitang ngiti na may pag-asa ang siyang tanaw.
Pag-asang sa hakbang na ginawa ay makapagbibigay,
ng pag-asenso at kaunting pag-angat sa buhay,
na sana ang kapalit ng pagtitiis ng pagkakalayo sa pamilya,
ay ang pagluwag at pagbuti ng lagay nila.
Ngayon ang sakripisyong paglisan sa bansang sinilangan,
ay siyang pinagpupunyagian upang makamtan,
hindi na iindahin ang lungkot at hirap na madarama,
sapagkat ligaya na, ang makitang mga mahal ay guminhawa.
photo and words by: jeklog
@ South Luzon Expressway
@ South Luzon Expressway