Showing posts with label Pinoy emotion. Show all posts
Showing posts with label Pinoy emotion. Show all posts

Thursday, March 12, 2009

Kwentong-Ketong



Tira-tira, Barya, Pera, Limos
Di ka na ba naawa sa kondisyon kong kay lunos?
Mukha ko'y bakil-bakil, katawa'y puno ng galos,
Para akong sigarilyong unti-unting nauupos.

Aray! noong nabato ng tanod sa overpass,
Sabay pukol din ng salitang "P.I. mo wala ka ng Lunas!"
Mang-gagancho raw ako't parte ng sindikato,
Na kumikita sa panloloko ng tao.

Ang tanong ko sa kanya, "ano pa bang meron ako?"
Yaman kong sugat na puno mula paa hanggang noo?
Mula magkaganito wala na ngang madama,
Ultimo haplos o anino man lang ng pamilya.

Ilan lang to sa mga palagiang kwento,
ng mga di pinalad na nilalang katulad ko.
Ganito ang dinanas sa paghingi ng tulong,
ng taong hindi pinangarap magka-ketong.


Photo and words by: jeklog
@ EspaƱa, Manila


Saturday, March 7, 2009

The Urban Legend


Rhyme, Reason, Love, Passion
All of these evident in the Master's vision.
A calling that started with a mission,
that through the Rap Culture He can unite the nation.

Francism was the name of the said notion,
that transcended every video, Tv and radio station.
It stood the test of a 2-decade season,
and now the fight is in the heart of the next generation.

Dread was the feeling when he caught the Big C,
but the battle waged on as he struggled gallantly.
He zealously proved that disease is no hindrance,
up until even that noon that he made it in heaven's entrance.

He has the contemporary-new-age hero's thought
well, others would tag him as the Urban Patriot.
but for the jotter he now transcends,
as the new definition of an Urban Legend.

Rest in peace Sir Francis, who you are will echo in eternity.

image and words by: jeklog






Thursday, March 5, 2009

Tengang Kawali


Pagasa, Saya, Tuwa, Ligaya;
Lahat ito kita mo sa'king mata.
Habang takip ko ang aking tainga,
at gulo sa paligid ko'y di rinig pansamantala.

Di ko parin naman masyado pansin,
hirap ng buhay kong tatahakin.
Kaya nga sa laro muna ako abala,
Habang ako ngayo'y musmos pa.

Di ko pa alam ang sa aki'y mangyayari,
pagtanda ba'y giginhawa o mag bubuhay tae.
Pero sana wag muna mamatayan ng pag-asa,
Iisipin na lang palaging may bukas pa.

Pero ngayo'y ibigay nyo muna sa'kin ang sandali,
dahil ako'y nakahanap ng paraan para mapanatili.
Itong aking mumunting mga ngiti,
Sa pagiging bingi at Tengang Kawali.


Photo and words by: jeklog
@ San Pedro, Laguna