Paalam, Von Voyage, Hanggang sa muli, Babay
Karaniwang sambit sa landas na naghihiwalay,
Lungkot at lumbay sa mga mukha ay bakas,
sapagkat may kulang na sa piling nila bukas.
Ngunit sa bansang puno ng paghihirap at dusa,
at ang pag-alis ang mainam na paraan para kumita ng pera,
Imbes na luha ng kalungkutan ang mangibabaw,
ay sapilitang ngiti na may pag-asa ang siyang tanaw.
Pag-asang sa hakbang na ginawa ay makapagbibigay,
ng pag-asenso at kaunting pag-angat sa buhay,
na sana ang kapalit ng pagtitiis ng pagkakalayo sa pamilya,
ay ang pagluwag at pagbuti ng lagay nila.
Ngayon ang sakripisyong paglisan sa bansang sinilangan,
ay siyang pinagpupunyagian upang makamtan,
hindi na iindahin ang lungkot at hirap na madarama,
sapagkat ligaya na, ang makitang mga mahal ay guminhawa.

photo and words by: jeklog
@ South Luzon Expressway
@ South Luzon Expressway
natutuwa akong mayroong kababayang Pilipino na nandyan sa Pilipinas ang naniniwala sa prinsipyo ng mga OFWs.
ReplyDeletelubos ang paghanga ko ang iyong mga litratula. lalo't higit sa tulang ito...
great post! Great poem! I admire people who inspire others, and positive about things.
ReplyDeletemagaling.
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT... THANX. i'm happy that people find time to read my post and somehow, make them feel fortunate about themselves. glad to be an instrument in this case. Im glad to be back din..its been a while since i last posted kasi. salamat sa appreciation.
ReplyDelete