Tuesday, April 21, 2009

Basur-Hero


Burak, Plastik, Nabubulok, Hindi
Samu't saring mga bagay na dinadampot palagi.
Sa kung saan-saang dako ako inaabot,
nitong trabaho kong taga-hakot.

Simulain nito'y pagsabit ko sa puwetan,
Nitong truck naming sinasakyan,
tsaka kami dinadala sa bawat kanto,
nang maisakay na tinipong kargamento.

Pagka-diri ay akin nang kinalimutan,
dumi ay tinanggal na rin sa kamalayan,
ultimo ilong ko ay ginawa nang manhid,
upang sangsang at baho ay mawalan ng bahid.

Trabahong di pipiliin ninoman,
itong propesyon kong pinasukan,
pero sana sa mata niyo ay ituring ding bayani,
Bakit? kaya niyo bang mamulot ng basura sa tabi-tabi?

photo and words by: jeklog
@ Quiapo, Manila


2 comments:

  1. Isang mahusay na paglalarawan. Harinawang makagising sa mga ugat ng lahing natutulog!

    Mabuhay ka!

    ReplyDelete
  2. maraming salamat sa pagdalaw. ooo nga. magising sana ng bahagya ang mga tulog...hehe salamat.

    ReplyDelete