Friday, April 24, 2009

Payong Kaibigan


Kasama, Kapatid, Ka-tropa, Kabarkada
Yan ang turingan naming dalawa.
Walang iwanan sa hirap at ginhawa,
Sa pagluha, pagtangis, pagkatuwa at tawa

Namulat na kami ng sabay,
sa mga bagyo nitong buhay.
Sa musmos naming edad walang ibang inasahan,
kundi ang aming madikit na samahan.

Tenga ng isa ay palaging ready,
uhaw sa mga kwento at pangyayari,
taos-pusong sabik sa pakikinig,
sa mga salitang lumalabas sa kabilang bibig.

Sa buhay ay wala nang ibang sinilungan,
kundi itong payong ng aking kaibigan,
sa ulan man o sa hagupit ng araw,
ang tanging sasakluban ko ay ikaw.

photo and words by: jeklog
@ Landayan, Laguna


2 comments:

  1. Nic photo!!! Gusto ko rin maging mahusay na litratistang gaya mo! ;)

    ReplyDelete
  2. thanx avee! hehe, di naman, nakaka tsamba lang ng moment hehe. anyway, thanx..

    ReplyDelete