C2, Plastic na bote, Bakal, Coke in Can
mga bagay na itinapon mo sa basurahan.
kala mo'y pagkaubos ng laman kwenta'y kasama,
pakinabang sa mga ito'y siya ring wala na.
Pero sa aming may kahoy na manibela,
na buong lakas nagtutulak ng karitela,
kalat mo'y may katumbas na sentimo,
ikabubuhay na namin kapag naka-kilo.
Buti na lang kasama ko si utol,
kaututang-dila ko sa aking paghahabol,
napapawi hirap, pagod at pagka-hapo,
paghahanap ng ginto ay para lang laro.
Ganito tumatakbo ang pangangalakal
bawat tapuna'y sinusuyod, kinakalkal
nagbabaka-sakaling swertehin din at makaipon,
pampaayos man lang nitong aming kariton.
mga bagay na itinapon mo sa basurahan.
kala mo'y pagkaubos ng laman kwenta'y kasama,
pakinabang sa mga ito'y siya ring wala na.
Pero sa aming may kahoy na manibela,
na buong lakas nagtutulak ng karitela,
kalat mo'y may katumbas na sentimo,
ikabubuhay na namin kapag naka-kilo.
Buti na lang kasama ko si utol,
kaututang-dila ko sa aking paghahabol,
napapawi hirap, pagod at pagka-hapo,
paghahanap ng ginto ay para lang laro.
Ganito tumatakbo ang pangangalakal
bawat tapuna'y sinusuyod, kinakalkal
nagbabaka-sakaling swertehin din at makaipon,
pampaayos man lang nitong aming kariton.
photo and words by: jeklog
@ Canlalay, Biñan, Laguna
hey, hey, hey. akalain mo, blogger ka rin pala. hehe. talentadong bata. mapa-photography man o pagsulat.
ReplyDeletenga pala, hindi kaya jeric din ang pangalan mo? kasi jek din ang tawag sa'kin ng ibang kakilala ko. pag nagkataon, magkatokayo pa tayo. hehe :9
hehe. jasper name ko. hehe. talaga? jek ka din? hehe. katukayo nga. salamat sa pagdaan. vist ka uli pag la ka magawa. hehe. thnx
ReplyDelete